PAGGAGANTSILYO NG ISANG LOLANG BULAG, HINANGAAN NG NETIZENS

PAGGAGANTSILYO NG ISANG LOLANG BULAG, HINANGAAN NG NETIZENS

Viral ngayon sa Facebook ang isang post kung saan makikita ang mga larawan ng isang lola na naggagantsilyo.

Sa post ni Mikko Kim Argudo, makikita ang ilang larawan ng kanyang 80-anyos na lola na si Fernando Devera Argudo na taga-Lopez, Quezon.

PHOTO: Facebook | Mikko Kim Argudo

Si Lola Pendang ay bulag na sa loob ng 22 taon, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanyang talento at kakayahang makapaggantsilyo pa rin ng iba’t ibang kagamitan.

Sa nasabing post, ipinakita rin ni Mikko ang iba’t ibang disenyong gawa ni Lola Pendang.

PHOTO: Facebook | Mikko Kim Argudo
PHOTO: Facebook | Mikko Kim Argudo

Kabilang na dito ang pouch, cellphone case, at pantakip sa lamesa, TV, at laptop.

Nakakagawa pa rin siya ng banig na yari sa buli.

Ayon sa kwento ni Mikko, sinasabi lang nila kay Lola Pendang kung anong kulay ang hawak nitong sinulid para maging mas maayos ang pagdidisenyo niya ng mga ginagawa niya.

Ang paggagantsilyo umano ang ginagawang pampalipas-oras ng matanda para na rin mabawasan ang pagkainip nito.

“Ginagawa daw niya ‘yon para kahit papaano ay may maiwan siyang alaala pagdating ng panahon. Kaya ayaw niyang magbenta ay dahil hindi niya alam ang worth ng kaniyang mga gawa at nahihiya siya na baka ‘pag ibinenta niya ay may mali o hindi magustuhan,” sabi ni Mikko.

PHOTO: Facebook | Mikko Kim Argudo

Hiling lang nila na sana ay matulungan ang matanda sa pagkakaroon nito ng hearing aid.

Dahil sa talento, hinangaan ng mga netizens si Lola Pendang.

Basahin ang kanilang komento tungkol dito.

“Kung maoperahan ba ang katarata nya posible bang makakita sya ulit? Kung mayaman lang ako papaoperahan kita Lola kahit hindi tayo ka anu-ano. Naiiyak ako sa post na ito.

Wow ang galing naman ni nanay at ang gaganda ng gawa nya. Nay wag po kayo mag alinlangan n ibenta kz po ang gaganda po nag gawa nyo. GoD bless po nanay.. keep safe po.

Lola sana pagtanda ko gaya mo kahit wala nang makita naggagantsilyo parin ❤ di matatawaran yung galing mo lola, sa kabila ng dilim pulido parin ang gawa mo, kameng nasa liwanag madalas pang may mali?

Godbless po lola..sa panahon ngayon bibihira nalang ang may hilig sa pag gagantsilyo..pero kayo ho sa kabila ng inyong kapansanan nagagawa niyo pa rin po..Ang gaganda po lola

Kawawa naman si Lola, pwede sanang di sya nabulag kung napa opera agad ang kanyang katarata. Para sa kaalaman po nang lahat libre po ang cataract surgery sa ating mga senior citizens.

She knows her Craft by heart!

“Ang galing naman ni lola daig pa ang mga taong may paningin.. God Bless you more lola

“Sana po tulad ni nanay ang matulungan na pursigido sa kabila ng kanyang kapansanan. Yung iba, batugan, naghihintay lang ng ayuda.

Sana naipaopera ang mga mata niya bago nabulag ,ipag dadasal kita Ate Pendang!

Lola baka po gusto niyong ibenta ang mga gawa nyo. Magaganda po

GOD BLESS po LOLA…?? na miss ko tuloy LOLA ko hilig din nia gumawa ng mga ganyan..