BUWAYA NA NA-RECUE SA SURIGAO DEL SUR, PINAGKAGULUHAN SA SOCIAL MEDIA

BUWAYA NA NA-RECUE SA SURIGAO DEL SUR, PINAGKAGULUHAN SA SOCIAL MEDIA

Isang buwaya ang na-rescue sa Surigao Del Sur na sumusukat ng 11 talampakan at may bigat na 250 hanggang 300 kilos.

Sa Facebook post ng DENR CENRO Bislig, ibinahagi nila ang ilang larawan ng nasabing buwaya.

PHOTO: Facebook | DENR CENRO Bislig

Nahuli raw ito ng mga mangingisda sa Bislig City, Surigao Del Sur.

Ayon kay Romulo Garay, city administrator, “Actually, there was already a sighting of a crocodile in one of our piers in Bislig City almost two years ago. But this is the first captured crocodile (in the city), as far as I know.”

PHOTO: Facebook | DENR CENRO Bislig

Ayon sa kanilang pagsusuri, ito raw ay isang lalaki at may lapad na 21 pulgada.

Ang Barangay Pamanlinan kung saan ito nahuli at 11 kilometro lamang ang layo sa city hall ng Bislig.

“The crocodile is okay. It was not harmed and was not injured,” ayon sa officer-in-charge ng DENR-Bislig.

Ang nasabing buwaya ay ibiniyahe patungong Pag-asa Farms Wildlife Resource Center sa Kapalong, Davao Del Norte.

PHOTO: Facebook | DENR CENRO Bislig

Samantala, ang nasabing Facebook post ay umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“sa TOTOO lng dpat tlga HINDI ito kina CAPTIVE para sa kanyang kabutihan.. dapat malaya siyang NABUBUHAY sa kanyang NATURAL HABITAT.. ang kailangan lng gawin ang i PRESERVE nila ang LUGAR ng mga BUWAYA ..”

“Sad but true.The croc that was captured in Surigao del Sur is nothing compared to the biggest”buwaya”at PhilHealth that has already eaten more than P14B.The said”buwaya” is still roaming around at PhilHealth and has not been captured yet.The people have already been warned about it.”

“Buwaya sa gobyerno hindi parin nahuhuli hanggan ngayon mas lalong dumarami sa panahon ng my pandemnya…bwessitttty”

“Buti nahuli. Delikado din kasi yan sa mga nakatira. Pero sana maayos din pinaglagyan hindi yung nakakulong tulad ni Lolong.”

“Buti pa ang buwaya na dakip na pero ang buwaya sa philhealth nakatangay ng 15B until now nakalaya pa.Utak tae kasi ang amo non at tuta ng china”

“Ang huluhin ninyo yong buwayang naka barong tagalog!”

“Funny they call it “Rescue” when the reptile actually becomes a prisoner.”

“PAANO DARATING ANG AYUDA KUNG MRAMING BUWAYA!!!!”

“Ang wild na buwaya dali mahuli piro mga buwaya Naka upo hirap hulihin”

“Bat napunta yan dyan laging tambay yan sa malakanyang at kongreso minsan sa senado.”

“yung dto sa metro manila hindi pa ba nahuhuli.sabagay mahirap cla hulihin kc may mga bodyguards cla at nasa mga suv.”

“Papanong narescue yan eh wala naman sa kapahamakan yan. Ang narescue nakalaya sa anomang kapahamakan. Oh nakakulong sa isang lugar na walang malalabasan. Ehhh yan hinuli at ikinulong. Ed hndi malaya yan at ikinulong. Ibig sabhin hndi yan narescue yan. Nahuli peace”

“Sana sagipin din yung mga buwaya sa kalsada saka yung mga naka upo sa gobyerno”

“Buwaya sa gobyerno at sa mga daanan kailan kaya mahuhuli simula nag follow ako sainyo hanggang ngaun un parin inaantay ko mangyari”