Lechon rabbit, patok sa Bulacan

Lechon rabbit, patok sa Bulacan

Viral ngayon sa Facebook ang ilang larawan ng lechon rabbit na umano’y patok na patok sa Bulacan.

Patok ang negosyong ito ni Aldrin Jonel Sahagun ng Poblacion, Santa Maria, Bulacan.

PHOTO: Facebook | Aldrin Jonel Sahagun

Ang negosyong ito na may pangalang “Health Shaker” na nagsimulang magluto ng litson na kuneho noong Oktubre ng nakaraang taon.

Sa interview sa kanya sa GMA News Online, sinabi niya na “Masasabi ko po medyo lumakas lalo na naipromote sa TV ang rabbit meat.

PHOTO: Facebook | Aldrin Jonel Sahagun

Ayon sa kanya, masarap ang litson na kuneho sa kahit na anong sauce, maging sa toyo-mansi, ketchup, o gravy.

Pero hirit pa niya, “Pero I’m sure po malasa po kahit walang sauce.”

Ngunit kahit naging patok na ang pagkain nito, may ilang mga Pinoy pa ring nagsasabi na hindi pa rin nila trip ang pagkain ng kuneho.

PHOTO: Facebook | Aldrin Jonel Sahagun

Ayon sa mga ito, iba pa rin ang pagkain ng litson baboy o litson manok.

Ang sabi naman ni Aldrin, “Wala naman po mali sa pagkain ng rabbit meat. Sa ibang bansa matagal nang kinakain ang rabbit meat lalo na sa Europe.”

“Ang rabbit meat is part of livestock kaya po walang mali sa pagkain nito.”

PHOTO: Facebook | Aldrin Jonel Sahagun

Narito ang ilang komento ng mga netizens.

“Msarap iyn … Pramzz ntikman ko nagluto kmi”

“Hipokrito kasi karamihan sa peenoise, ayaw sa rabbit meat kasi cute daw pero kumakain ng baboy. Cute din naman mga baboy. Isa pa, overpopulated masyado numbers ng rabbit kasi sagana yan mag reproduce.”

“Sa mga galit dyan mag vegetarian nalang kayo”

“paano or ano po lasa nya? kase dati nung bata pa ako binigyan ako e luto ko daw kaso nung katayin na sana diko kaya. ahahaha ang cute kase…”

“Dito sa US kinakain mga rabbit sabi namin sa Philippine hindi kasi pet siya kasi kunti lang din rabbit sa Philippine. Pero sa US kinakain talaga nila masarap daw prang chicken”

“Pet kasi ung rabbit pro may mga rabbit din na pwedeng kainin….pagtatawanan lang tau ng ibang bansa pag naging ignorante tau pagdating Jan….”

“Masarap yan isahog sa Lugaw! Ung utak at mata niya napakalinamnam. Ung balat at tenga niya d best sa sisig. Champion naman siya sa dinuguan lalo na kapag isinama ung bituka.Kapag kakatayin mo siya, wag pakainin ng tatlong araw. Tapos hawakan mo siya sa tenga niya at ihampas hampas hangang sa mamatay. Kapag bitin ka pa ihawin mo na rin ung mga parrot sa pet shop!”