Lalaki na nagsauli ng napulot na susi ng sasakyan, hinangaan ng netizens

Viral ngayon sa Facebook ang post ng isang may-ari ng sasakyan na nagpapasalamat sa nagsauli nito sa kanya.

Sa Facebook post ni Ces Bagunu, ikinuwento niya ang insidente ng pagkakawala niya ng susi ng kanyang sasakyan.

Share ko lang.

I almost lost my car today. Sa sobrang dami kong bitbit, di ko napansin I dropped my car keys. Since 8AM tapos narealize ko nawawala susi ko around 2PM na. Sobrang thankful namin kay kuya na nakapulot! He left this note sa windshield ko. Imagine, kahit sobrang hirap ng buhay ngayong pandemic, some people still choose to do the right thing — to help others. Sobrang dali itakbo ng sasakyan, nasayo na susi and all tapos nasa open parking pa. We want to give him a token of appreciation sana, pero he politely declined and pasalamat nalang daw kami kay Lord ? Faith in humanity restored! ❤️ Thank you for your kind heart, Kuya! Thank you! ❤️ Thank you Lord! ??

PHOTO: Facebook | Ces Bagunu

Nakita raw ni Ces ang isang note sa kanyang sasakyan kung saan nakalagay ang cellphone number ng nakapulot ng susi ng kanyang sasakyan.

Agad niya itong tinawagan at ipinaliwanag ng nakausap niya kung saan nito itinago ang susi.

PHOTO: Facebook | Ces Bagunu

Gusto sana niyang bigyan ng pabuya ang nakapulot ng susi ngunit tumanggi ito.

Ang sabi nito sa kanya, “Kay Lord na lang po tayo magpasalamat at nasa tamang tao po ang nakapulot ng susi nyo po masaya na po ako na may natulungan na naman po ako ngayon.”

PHOTO: Facebook | Ces Bagunu

Agad na inulan ng papuri ng mga netizens ang taong nakapulot ng susi.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

Great is your reward in the LORD

Feel good moment. Thanks to the man who bestowed the feeling of positivity in this trying times.

He is a man with golden heart..salute to you sir.

God bless you kung sino man po.kayi na may malinis na puso

isa lang.ibig sabhin kapatid may mabuti kang puso kaya ganun ginawa ng.tao sayo dahil walang.imposible sa dios kapatid, dahil lahat ng tao may angel ,kung alam kung sino yun kung hindi naman sabhin ko sayo ! mabuti ang.dios sa lahat tayo ang nakakalimot.

Buti po talaga walang ibang tumawag or nagpanggap.. nabanggit ung word na “susi”…napakabait ng Panginoon po tlaga, sobra..

Salute po sa nakapulot, honest and smart

God is Good..

Sana dumami pa ang katulad ni kuyag nkapulot. Kidos to you Sir

Buti talaga may Ari nkakuha ng note ?

Kc xiempre Kung Iba nkabasa and nagpanggap na owner paktay talaga ,hehe

“Sino man siya nakapulot ng susi Godbless you!

Bait mo po kuya sana marami pang tulad mo ngayon.god bless kiya