Pagbabalik ng sikat na juice noong ’90s, kinagiliwan sa social media

“Sana all bumabalik.”

Ito ang naging reaksiyon ng ilang netizens sa isang post ng Facebook page ng kilalang brang ng juice na unang nakilala noong ’80s at sumikat noong ’90s.

Para sa mga batang ’90s, kinalakihan na nila ang pag-inom ng juice na ito.

Madalas itong bida sa mga handaan dahil nga matipid ito at siguradong marami ang mapapainom.

Ang palagi nitong ka-partner ay ang punch bowl na gaya ng nasa larawan sa ibaba.

PHOTO: Facebook | Sunny

Madalas na kapag tinimpla ito, may mga sliced fruits din na inilalagay kagaya ng mansanas at orange.

Maliban sa pagtitimpla dito, ginagamit din itong flavor sa paggawa ng ice candy.

At dahil kinagiliwan ito ng mga lumaki sa dekada ’80 at ’90, marami ang natuwa nang malaman nilang muli na naman itong mabibili sa ngayon.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens.

That brand most of the time my mother bought for us so yummy taste like really orange I’m happy their back

It looks like you are selling the punch bowl and sunny orange (QUART) size comes for free

Ito yung juice namin maliliit PA kami, Ngayon ang Mahal na.

Sunny dto sa company na to nag tratrabaho papako.bigla tuloy Kita ma miss pa.

Mahal po wla pang pangbudget, sunod na lng po

“sa isang patak, kaya ang bisita na isang katutak”

Eto ang juice na gamit ni nanay sa pag gawa ng ice candy nuon. Mabentang mabenta… Murang juice noon sobrang mahal na ngayon..

Isang patak, makakainom lahat.

Kaya pala ganito yung lagayan namin ng juice. ?? pang Sunny Orange.

Ang masarap n juice nung kabataan ko..present lagi sa handaan

Wow naalala ko sa bukid noon kpag ngkasakit ako saka pako mkatikim nyan

Yung Punch bowl n yan ung pambato ng mga nanay natn noon sa mga handaan.

SUNNY ORANGE KALABAN NI RITCHIE’S ORANGE

Sunny orange na may lumulutang na real slice orange sa bowl.haha

Susme dati ay 16 pesos lang ang sunny orange

Ang pambansang juice ng lahat. Welcome back sunny orange. Ang pricey mo na today infareness sayo.

waw namiss ko mga lasang gamot nyong juice, 15 pesos isang bote nung 90’s haha

Yan ang juice namin nung kabataan ko. Sarap

OMG, buhay pa pala si Sunny Orange. Biglang sumagi sa isip ko yung commercial jingle nila.????

Isang bote nyan kasyang patamisin dalawang drum n tubig!!! Namiss ko yan!

Everyday baon ko to during elementary days 80’s

Sunny Orange I Love You Lemon , Grapes and Strawberry!??

Paulit ulit kong kinakanta nung Elementary pa ako!

OMG ?? Ganitong Ganitong combination ginagamit Ng Mama nmin dati nung maliliit pa kami at ocassionaly lng ginagamit, after Ng party balik na sa Platera

I miss this, pero sadly, pag bnili ko yan the “Pang En Grande Handaan Punch Bowl” ay ndi ipapagamit pag walang bisita

yung pag may birthdayan noon anlakas makasosyal tapos may hiwa hiwang apple at Orange, haha.

eto yung juice n binibiki lagi nila tatay at nanay,,murang mura lng to dati 10pesos isang bote 1991 1993 tapos nung bigla nagmahal bigla nlng naglHo…pero ngaun mahal na talga sila

. Missed our life back then. Madalas wala pera pambili ng kahit ano pero kapag nagkapera papa at mama ko noon d nawawala sa grocery yan??. Feeling q nuon ang yaman namin ng one week kapag d pa nauubos yan??. Missed that. Sana same pa ang lasa.

Sarap nyan taste like a real orange…at ang bango pa….ang kalaban nyan SUNQUICK orange n nsa bote rin. Sunny orange kse pang masa noong araw.