Babaeng siningil sa u tang, nagalit sa kaibigang nagpautang

Babaeng siningil sa u tang, nagalit sa kaibigang nagpautang

Naging usap-usapan sa Faceb00k ang post ng isang babae na nagkuwento tungkol sa kinahinatnan ng paniningil niya sa kaibigan na dalawang taon nang may u tang sa kanya.

Sa post ni Aira Polea, ibinahagi niya ang screenshot ng conversation nila ng kaibigan.

Aniya, hindi raw talaga siya marunong ma ningil ng pautang dahil nauunahan siya ng hiya kung kaya’t pinag-isipan pa niyang mabuti kung ano at paano niya sisingilin ang pautang kahit sa pamamagitan lang ng text.

Ngunit sa halip na makasingil, mukhang napasama pa ang pagte-text niya sa kaibigan.

Nararanasan din daw niya ang mangutang pero hindi naman umaabot sa ganitong sitwasyon.

Aniya sa caption ng post:

“Hindi po talaga ako marunong maningil ng umuutang, kasi ako pa ang nahihiya pero ito, iniisip ko pa Mabuti pano sya e-txt. Nakakahiya naman at nagalit sa akin dahil naningil ako. Sorry na po! ?? Nangungutang din naman ako pero di ako ganito ? Nakaka takot na maningil sa panahon ngayon?? Baka sa sunod masapak na ko nito?Mapapakanta ka nlng tlga ng #itreallyhurts”

Narito ang naging pag-uusap nila ng kanyang kaibigan:

Aira: “Hi Dear! Kumusta? Ask ko lang pala kung pwede ko na makuha yung hiniram mo, kahit di buo para di ka mabigatan. Regards mo ko sa cute na baby mo :)”

Kaibigan: “Okay lang naman kami. Bakit ngayon ka lang naningil? Eh syempre magagamit namin pera. Kasalanan mo yan, kunwari ka pang concern sa anak ko, maniningil ka lang naman, Alam ko naman na malaki utang ko di ko naman nakakalimutan pero sana marunong kang umintindi.. Palibahsa may pera.”

Aira: “Sorry if na-offend kita. Wala naman ako intensyon na ganyan ma-feel mo, and pasensya na if feeling mo di ako concern sa baby mo. Alam mo nahihiya din ako, sabi mo kasi babalik mo kaagad after 1 month, mag-2 years na kasi iniisip ko magkukusa ka. Sorry ulit.”

Kaibigan: “So, sinasabi mong di ako nagbabayad ng utang? Minsan sana marunong ka makaramdam, madami din ako bills na dapat bayaran at di lang ikaw.”

PHOTO: Facebook | Aira Polea

Dahil sa kakaiba ang kinahinatnan ng paniningil ng may pautang, kinaaliwan ito ng mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Sabi nga ni Bea Alonzo, Bakit parang kasalanan ko?”

PHOTO: Star Cinema

“Kamot ulo na lang yung nagpautang.”

“relate much. Kaya ayoko nagpapautang eh.”

“Siya pa galit? Wahahahaha”

“Di kasi marunong umintindi amp.”

“Friendship over. HAHAHAHA”

“Laptrip si ate. Sya pa galit ah.”

“Nakakahiya naman sa kanya.”

“Dapat yung nagpautang na ang mag-adjust. hehe”

“May pinagdadaanan si ateng may utang.”