Birthday boy: ‘Kahit may bagyo may spaghetti pa rin. Salamat, Ma.’

Birthday boy: ‘Kahit may bagyo may spaghetti pa rin. Salamat, Ma.’

Kinagiliwan ng mga netizens ang post ng isang batang nagdairiwang ng kanyang ika-13 kaarawan.

Sa isang Facebook post idinaan ni Rodello Tualla ang pasasalamat sa ina na naghanda ng spaghetti para sa kanyang kaarawan.

Bagaman bumabagyo ay nagawa pa rin ng paraan ng kanyang ina na maipaghanda siya.

Hindi naitago ni Rodelio ang kasiyahan kaya anman nag-post siya ng larawan nila ng kanyang ina na abala sa

paghahanda.

PHOTO: Facebook | Rodelio Tualla

Kasalukuyang nakataas ang signal no. 1 ng bagyong Bising sa kanilang lugar sa Biliran nang siya ay magdiwang ng kaarawan noong April 18.

Dahil naantig ang damdamin ng mga netizens sa simpleng post ng pasasalamat ni Rodelio sa ina, agad na nag-viral ang nasabing post.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 151K shares ang nasabing post.

PHOTO: Facebook | Rodelio Tualla

Bumaha din ng pagbati sa comment section ng nasabing post, gayundin ang pagbati sa kanyang kaarawan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“Ang bait namang bata nito.”

“Nakaka-touch ang pasasalamat niya sa simpleng handa.”

“Kudos kay madir na gumawa talaga ng paraan.”

“Sana all may ispageti.”

“Marunong mag-appreciate si totoy kahit ng mga simpleng bagay.”

“Sana all ganito, hindi yung di pa makuntento sa mga bonggang handa.”

“Dpat talaga makuntento sa kung anong meron.”

“Love love love kay mother.”

PHOTO: Facebook | Rodelio Tualla

“Nakakaproud naman na marunong magpahalaga si totoy.”

“Hppy bertdey sayo, sana palagi kang ganyan kabuti.”

“Ang sarap naman magkaroon ng anak na ganito.”

“Pagpalain ka pa ng Dios.”