Tiktok Filipino Star Bella Poarch trending sa kaniyang bagong kanta na “Build A B”!

Tiktok Filipino Star Bella Poarch trending sa kaniyang bagong kanta na “Build A B”!

Marami ang nagulat at namangha sa unang single ni Bella Poarch na “Build a B”. Ito ay agad-agad na nag-trending sa youtube at humatak ng napakaraming likes at views mula sa buong mundo.

Ang “Build a B” ay isang kanta na tumatalakay sa itinakdang pamantayan ng mga lalake sa mga babae. Ang mensahe ng kanta ay kini-kuwestiyon ang mga nakasanayan at mala perpektong perspektibo ukol sa kagandahan ng isang babae. Ito ring pinasaringan ang Sistema ng Patriarchy at nagla-layon na itaas ang pwesto at reputasyon ng kababaihan sa ganitong larangan.


Photo from Music Video “Build A B”

Kabilang din sa mga naging parte ng Music Video na ito ay ang mga sikat na social media personalities tulad nila Mia Khalifa, Bretman Rock, Valykrae at marami pang iba. Halos puro kababaihan ang naging cast ng music video na mas nag-diin pa sa mensaheng gusting iparating ng Tiktok Star na si Bella Poarch.

Photo from Twitter user @Karolethebard13

Si Bella Poarch ay isang American-Filipino Tiktok artist na pang-kasalukuyang nakatira sa Hawaii. Siya ay unti-unting nakilala sa Social Platform na “Tiktok” at tuluyang sumikat noong 2020. Simula noon siya ay mas umangat at nakilala pa sa kaniyang mga tiktok videos kung saan karamihan ang dito ay lagpas 1 Million views.

Ngunit siya rin ay nakilala sa isang issue kung saan binatikos ang kaniyang “Rising Sun Tattoo” na sumisimbolo sa pananakop ng mga hapones sa bansang korea. ‘Di kalaunan ay nang-hingi siya ng kapatawaran at kaniya itong pinatakpan.

Photo from Bella Poarch’s Tiktok account

Pagkatapos ng issue na iyon ay nag tuloy-tuloy na ulit ang kaniyang pag-angat sa larangan ng tiktok. Kung saan kaniyang ginamit ang plataporma bilang ipahayag sa kaniyang panibagong kanta na “Build A B” ang kaniyang mga nararamdaman at problemang kinakaharap noon.

Photo from Bella Poarch’s Twitter account

Ang “Build A B” ay mayroon ng higit 45 million views at 3.8 million likes sa loob lamang ng apat na araw.

 – Meridame, 2021

For more updates, Please follow our page.