Aktres na si Jennica Garcia, ibinahagi ang kanyang karanasan bilang isang rescuer

Aktres na si Jennica Garcia, ibinahagi ang kanyang karanasan bilang isang rescuer

Ibinahagi ni Jennica Garcia, anak ng beteranong aktres na si Jean Garcia, ang karanasan niya bilang isang rescuer sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.

Ang 30-taong gulang ay bahagi ng Alliance Search and Rescue (ASAR), isang non-profit organization na binubuo ng mga mountaineering groups at rescue groups na madalas rumesponde tuwing may sakuna.

Sa gitna ng pananalanta ng Bagyong Ulysses, agarang rumesponde ang grupo ni Garcia sa iba’t ibang lugar na lumubog sa matinding baha.

Sa isang Instagram post, humingi ng dasal si Garcia para sa kanilang rescue team na binubuo ng pitong miyembro at si Jennica ang tanging babae sa grupo.

Kinuwento ni Garcia ang karanasan ng kanilang rescue team sa Marikina kung saan natagpuan nila ang isang bangkay na nalunod. Ayon sa kaniya, kinailangan nilang gumawa ng paraan para maisakay ito sa kanilang rescue boat dahil hindi sapat ang kanilang equipment.

Mula sa kanyang post: “A few hours ago we retrieved a lifeless body of a homeless woman who drowned at Dona Petra, Tumana, Marikina. Napag alaman namin na ang kanyang pangalan ay ‘Terry’”

We didn’t have a stretcher and other equipment needed to transport her to land at the exact moment. May alon kaya hindi na namin kinayang binalikan ang mga gamit. We had to improvise to get her insider our boat.”

Dahil hindi de-motor ang hiram na bangka na ginamit ng rescue team ni Garcia, tinutulak lang nila ito para umandar.

Sa parehas na IG post, nag-alay din ng dasal ang akters-volunteer para sa bangkay na kanilang natagpuan.

Manang Terry, alam ko pong nakita ng Panginoong ang buhay ninyo bilang isang homeless dito sa mundo. Naway nasa tabi na po sana kayo ng ating Tagapaglikha. Rest in Peace Manang Terry.”

Binigyang pasalamat din ni Jennica ang mga estranghero sa kanilang kabaitan. Sa rescue operation nila sa Cainta, Rizal, nabanggit niya ang mga nagmagandang loob na nag-abot ng pagkain para sa kanila.

Kumakain kabi ng mabilisan,” sabi ni Garcia sa kanyang post. “Kailangan ng lakas at mag reresponde pa sa Cainta. Nagpapasalamat po kami dahil may tumigil sa kalsada kung saan kami kumakain para bigyan kami ng J.CO. Ang dami!”

Tuloy pa rin ang pagresponde ng rescue team na kinabibilangan ni Jennica Garcia. Ang hiling ng aktres: “Please continue to pray for us, the families in Cainta and everybody in the Philippines who are still in dire need of help.”

Binigyang puri ng mga netizens ang buong team ni Garcia dahil sa boluntaryong pagrescue sa mga nasalanta.

Nagbigay din sila ng paalala na maging maingat at isaalang-alang ang kanilang kaligtasan habang nagrerescue.

Hindi ito ang unang beses na nag-volunteer ang aktres para rumesponde sa search and rescue operations.

Noong pumutok ang Bulkang Taal noong Enero 2020, isa rin si Garcia sa mga volunteers na tumulong sa mga residente ng Batangas.

Ayon kay Jennica, tuloy pa rin ang rescue operations sa mga lugar na lubog sa baha. “Mula po sa amin ng Alliance Search and Rescue. Maraming salamat po!”