Mula Ondoy Hanggang Ulysses, Jericho Rosales Pinuri sa Kanyang Kabayanihan

Mula Ondoy Hanggang Ulysses, Jericho Rosales Pinuri sa Kanyang Kabayanihan

Binigyang saludo ang aktor na si Jericho Rosales at ang kanyang asawang model na si Kim Jones matapos ang kanilang pagtulong sa kapwa nilang Marikenyo.

Ayon sa mga ulat, personal na tinulungan ni Rosales at ni Jones ang mga na-stranded na mga residente sa kanilang village sa Marikina dala ng matinding pagbaha ng Bagyong Ulysses. Bitbit ang kanyang surfboard, umikot si Rosales kasama ng mga ibang boluntaryong rescuers para mailikas ang mga residente.

Matagal nang surfer si Jericho Rosales at maaalalang ganito rin ang ginawa ng actor noong sinalanta ng Bagyong Ondoy ang kanilang lugar.

Sa kanyang interbyu sa ABS-CBN, idiniin ni Rosales ang malaking kakulangan sa mga floatation devices ay laging nagiging problema ng mga rescuers tuwing may matinding pagbaha.,

This morning, paglabas namin baha ana. Usually, kapag baha dito kasi laging ganyan talaga and laging ganun problema so sometimes walang boat or floatation devices. So naglalabas kami ni Kim ng surfboards,” ang sabi ni Rosales.

Hindi rin naging madali para kina Rosales at ng mga residente ang daliang pagbaha. Ayon sa kanya, naging mas malala ang bagyong ito kumpara sa dati dahil hindi ito napaghandaan ng mga residente.

Kasi parang paggising ng mga tao, napuyat sila kagabi, paggising nila ganyan na. Maraming taong hindi nakaalis. Based on nangyari na before tapos caught by surprise na naman tayo na ganito. I think in that sense medyo mas malala ito.”

Umabot sa 22 metro ang taas ng Marikina River noong Nobyembre 12 —lagpas sa 215 na metro noong Bagyong Ondoy ayon sa Marikina Public Information Office.

Dumagsa ang mga pasasalamat ng mga netizens kina Jericho Rosales at Kim Jones. Marami rin ang naka-alala sa pagtulong ni Rosales sa pagresucue gamit ang surf board noong nakalipas na 11 taon sa kasagsagan ng Ondoy.

Lodi as always Jericho Rosales and Kim Jones. Thank you,” ang Tweet ni @JoanDeGuzmanMu1

kudos to jericho rosales and ms. kim jones for using surfboards to help the rescuers in marikina! that was too risky but thank u for doing what u can!” ang Tweet ni @starrykwons.

Ang iba naman ay good vibes lang na naaliw sa ideya na isang artista ang sasalba sa kanilang buhay.

Imagine being stranded on a rooftop, running out of battery, and through the rain you see…the Coast Guard? Red Cross? No, wait, it’s Jericho Rosales rolling up to your house on a surfboard,” sabi ni @RegineCabato.

Pinuri rin ng aktres na si Ria Atayde si Jericho Rosales na tinuturin niya bilang kuya.

Ayon kay Rosales, ligtas na ang mga residente sa kanilang village. Sadyang natagalan lang ang pag-rescue dahil sa malakas na alon.

Nagpasalamat naman ang actor sa isang Facebook post sa mga netizens.

Sa ngayon, nagsisimula ang mag-asawa na lumikom ng donasyon para sa relief operation sa mga kumunidad na apektado ng Bagyong Ulysses at Rolly. Narito ang mga sumusunod na bank accounts:

PAYPAL

paypal.me/mrmanileno

BPI

3089255308

BDO

003570234996

GCASH

Marines Elizalde

09178374364