“Sana Wala Kang Ending”, Angelica Panganiban ipinakilala ang kanyang mysterious boyfriend

“Sana Wala Kang Ending”, Angelica Panganiban ipinakilala ang kanyang mysterious boyfriend

Binungad ng aktres na si Angelica Panganiban ang bagong taon kasama ang non-showbiz boyfriend sa isang Instagram post.

Kung isa kang pelikula, sana,, wala kang ending.” Ang caption ni Panganiban. Kita sa larawan ang kanilang sweet na New Year’s kiss sa tabing-dagat, kasabay ang makukulay na ilaw mula sa mga paputok.

Matatandaang laging mainit sa mga balita ang lovelife ng aktres salamat sa kanyang mga high-profile na ka-relasyon. Mula sa kanyang long-time partner na si Carlo Aquino pati na rin si John Lloyd Cruz. Noong Disyembre lamang ay usap-usapan ang namumuong relasyon umano ni Panganiban sa kanyang “Walang Hanggang Paalam” co-star na si Zanjoe Marudo.

Agad din namang kinlaro ng aktor na hindi totoo ang mga paratang.

Hindi direktang ipinakilala ni Angelica Panganiban ang kanyang bagong non-showbiz boyfriend. Ngunit marami sa kanyang mga taga-hanga ay naniniwala na ang lalaki ay si Gregg Homan na isang entrepreneur na may negosyo sa Subic.

Sunod sa kanyang IG post, marami sa kanyang mga kaibigan at katrabaho ang bumati kay Panganiban. Kasama na dito si Bela Padilla at Kim Chiu na inilarawan ang post ng aktres bilang “pasabog”.

Unang lumabas ang haka-haka na may karelasyon na si Angelica Panganiban ng kantyawan siya ng kaniyang mga kaibigan sa isang online show na “Ask Angelica” noong Nobyembre. Tinanong ng actor-host John Prats si Panganiban tungol ka sa “status” ng kanyang puso, pasimpleng sinabi ng aktres na siya ay “calm”.

Dagdag naman ng co-host na si Glaiza de Castro, masaya siya na mayroon nang nag-aalaga kay Angelica.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-6.png

Online Ungkatan

Kahit happy at inlove ang artista, hindi pa rin maiwasan na madawit si Angelica Panganiban sa kanyang mga ex.

Kamakailan lamang ay naging matunog sa Instagram ang pangalan ng aktres at ng kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz. Ngunit sa rason na hindi direktang natuon sa dalawa.

Sa isang eksklusibong dinner party, kitang-kita ang pagiging close ni Ellen Adarna at Derek Ramsay sa Instagram Stories ni Ruffa Gutierrez na may pasaring na “Walang malisya @ramsayderek07 @maria.elena.adarna”.

Sinundan pa ni Gutierrez ang post kung saan magkasamang nakangiti si Adarna at ang tatay ni Ramsay na may caption na “Close na Sila Daddy Derek & @maria.elena.adarna”.

Nag-upload din ng mga clips si Gutierrez kung saan pabirong nag-exchange ng “I love you’s” ang dalawa. Kita rin na “very close” ang rumoured couple habang sumasayaw at akma pang hahalikan ni Adarna si Ramsay.

Matapos ang mga light-hearted na post ni Ruffa Gutierrez, hindi naiwasang kantyawin ang dalawa ng mga netizens dahil sa kanilang mga nakaraang relasyon.

2006 nagsimula ang relasyon ni Panganiban kay Ramsay. Tumagal ito ng anim na taon. Si Ruffa at John Lloyd naman ay naging official couple noong 2009 hanggang 2010.

2012 nang aminin ni John Lloyd na girlfriend na niya si Panganiban at halos apat na taon silang magkarelasyon. Nagkaroon ng anak si John Lloyd kay Ellen Adarna noong 2017. Usap-usapan ang paghihiwalay ng dalawa noong 2019 at kinumpirma naman ito ni Adarna noong 2020.

Ika nga ng isang Instagram user sa mga post ni Gutierrez, “It’s a small world!”