Julia Barretto, may boyfriend na nga ba?

Julia Barretto, may boyfriend na nga ba?

Matagal nang usap-usapan sa social media ang mystery boyfriend ni Julia Barretto at maraming fans at netizens ang kumbinsido na si Gerald Anderson ang bagong ka-relasyon ng aktres.

Nagbigay ng patikim si Barretto sa pagkakakilanlan ng kanyang kasintahan sa isang TikTok challenge na inupload ni Shamee Sugui. Ang challenge ay patungkol sa pagpili sa dalawa: “single” o “taken”; “Pinoy” o “AFAM” (foreigner); “older” o “younger”; at “funny drunk” o “emotional drunk”.

Pinili ni Julia Barretto ang “taken”, “AFAM”, “older”, at “funny drunk”.

Kasama rin sa TikTok video ang uploader, Chienna Filomeno, Keiko Nakajima, Issa Pressment, at Aeriel Garcia.

Hindi nakaligtas sa mga fans at sa mga netizens ang video na ito. Ayon sa nakararami, isa raw itong kumpirmasyon umano na si Gerald Anderson nga ang nobyo ni Julia Barreto.

Si Gerald Anderson ay isang Filipino-American at walong taon na mas matanda kay Barretto. Pasok sa kategorya na pinili ng aktres.

Bagamat hindi pa kinukumpirma o itinatanggi ng dalawa ang usap-usapan na sila ay nasa isang relasyon, marami ring mga social media posts ang nagtuturo dito.

Unang lumabas ang haka-haka na si Anderson nga ang mystery guy ni Barretto sa isang post ng aktres sa kanyang Instagram. Sa Instagram photo kung saan ine-endorso ni Barretto ang isang brand ng vitamins, napansin ng kanyang mga followers ang suot niyang necklace na may pendant na “G”.

Kumbinsido din ang mga followers ni Barretto na magkasama din ang dalawa sa Mt. Kulis sa Tanay, Rizal matapos halos magkasunod na posts ni Barretto at ni Anderson sa isang hiking trip. Kasama rin ang

kapatid ni Gerald na si Ken Anderson base sa kanyang ibinahaging drone footage ng lugar. Magkaparehas ang lokasyon ng footage sa lokasyon kung saan nag-picture si Barretto.

Bukod sa hiking trip, naging spekulasyon din sa social media ang bagong post ni Julia Barretto.

Sa caption na “New baby, St. Bernard” pinakita ng aktres ang bago niyang alagang aso sa isang car selfie. Agad namang napansin ng mga netizens ang braso ng katabi niyang lalaki. Ayon sa mga haka-haka, si Anderson daw ang kasama ng aktres.

Noong Nobyembre 2020, inamin ni Julia Barretto sa isang interview na siya ay “in love”. Bukod pa roon, sinabi niya na gusto niyang gawing “private” ang kanyang relasyon dahil sa naranasan niyang “trauma” matapos ang public breakup ng aktres sa kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

So one of the things I made myself confident in when it comes to my personal relationships is that, I’m in control,” ang sabi ni Barretto. “I am in total control of how much I am only willing to share and how much I am only allowing people to know.”

I’ve already come to realize how important it is to protect your peace and privacy —and that both go well together.”

Naging magkatrabaho si Julia Barretto at Gerald Anderson sa pelikulang “Between Maybes” noong 2019. Unang na-link ang dalawa matapos naging usap-usapan ang hiwalayan ni Anderson sa kanyang dating nobya na si Bea Alonzo.