Baron Geisler, dumepensa kay Liza Soberano matapos magbigay ng hinaing sa ‘Tililing’ poster

Baron Geisler, dumepensa kay Liza Soberano matapos magbigay ng hinaing sa ‘Tililing’ poster

Dumepensa ang kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler kay Liza Soberano matapos punahin ng aktres ang poster ng panibagong pelikula na ‘Tililing’ na umanoy mukhang nagbibigay ng stereotipikal at bastos na imahen ng mga tao na mayroong problema sa mental health.

Ayon sa aktres at Psychology student na si Liza Soberano, hindi maganda ang naging mensahe ng movie poster lalo na sa pagtama ng tingin ng mga tao na katatawanan ang isyu ng mental health.

Sa kanyang Twitter page, ibinahagi ni Soberano ang kopya ng movie poster at ang kanyang opinyon dito: “Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma.”

Sumunod sa kanyang Tweet, may mga netizen na sumang-ayon sa aktres. Ngunit, mayroon din namang nagpadala ng mga masasamang salita.

Nagbigay ng pahayag si Baron Geisler, na bahagi ng pelikulang ‘Tililing’, sa kanyang Facebook page tungkol sa Tweet ni Soberano. Ayon sa kaniya, hindi nararapat na “ma-bash” ang aktres.

Please don’t bash Liza,” ang sulat ni Geisler. “Please be kind. Sometimes, we get overprotective with our advocacies. She did not mean to look down on the poster.

I believe she meant well, folks. Please be kind. Masakit ma-bash naranasan natin lahat ‘yan one way or another,” dagdag pa ni Geisler.

Idinaan naman ni Liza Soberano ang kanyang pasasalamat sa kanyang Twitter page. Nagbigay din siya ng paumanhin sa mga nasaktan sa kanyang pahayag.

Thank you kuya Baron for the kind words and sorry if I have offended anyone. I’m afraid my intentions were misinterpreted. I always want the best for films that tap into mental health, so I wish this film all the best. Looking forward to seeing it,” ang sabi niya.

Hindi lamang si Liza Soberano ang pumuna sa “problematic” na movie poster ng ‘Tililing’.

Courtesy: Liza Soberano Instagram

Naglabas din ng pahayag ang online group na Anxiety and Depression Support Philippines (ADSP) tungkol sa poster ng ‘Tililing’.

Ayon sa grupo, hindi nararapat na maglabas ng pinal na hinaing sa pelikulang ‘Tililing’ dahil hindi pa ito ipinapalabas. Ngunit, tunay na kapuna-puna ang poster ng pelikula.

We can’t judge the movie if we haven’t seen it yet. Let us just hope that it’s done tastefully. The thing is, the poster is problematic.

Hindi lahat ng makakakita ng original poster ay magbabasa, mag-iimbestiga o manonood. Maaaring tumatak ‘yang impresyon na ‘yan sa utak nila nang matagal o habambuhay.”

Hindi rin sinang-ayunan ng ADSP ang paggamit ng salitang “tililing”.

Even the government is careful in addressing people with mental health struggles. ‘Wag nating pausuhin. The sad part is, hindi naman lahat ng may ‘tililing or may pinagdaraanan ay mahahalata mo. ‘Yung iba, may pinagdadaanan, sila pa ‘yung nakatawa. Sila ‘yung pinakamasaya sa barkada, ang breadwinner sa pamilya, ang boss ng kumpanya, ang pinakamagaling sa eskwela.

Ika nga nila, maraming mukha ang problema. At gusto naming ipakita rin ang ibang mukha – meron mukang masaya, highly functional, productive pero sa loob-loob, may kadiliman.”