Regine Velasquez-Alcasid,  nagbahagi ng love advice mula sa kanyang karanasan

Regine Velasquez-Alcasid, nagbahagi ng love advice mula sa kanyang karanasan

Ngayong Buwan ng Pag-Ibig, masayang ibinahagi ng sikat na singer na si Regine Velasquez ang kanyang mga payo pagdating sa pag-ibig at mga pinaghuhugatan na karanasan bilang asawa.

Sa kanyang interbyu sa ‘Magandang Buhay’, unang sinabi ni Velasquez na mahalagang maging magkaibigan muna bago magkatuluyan. Mahalaga rin daw na “madevelop” ang relasyon ng dalawa sa isa’t isa.

This image has an empty alt attribute; its file name is Screenshot-2021-02-12-061646.png

Kapag friend mo, mas nakikilala mo. Ako kasi very conservative talaga ang thinking ko. Gusto ko ‘yung taong mamahalin ko ay mamahalin ko unti-unti, alam mo yon?

Kasi naging kaibigan mo muna, naniniwala ako roon sa unti-unti mo siyang minamahal, ‘yung hanggang ngayon minamahal mo ng konti-knoti hanggang sa ang laki-laki na ng pagmamahal mo, parang ganoon, parang na-develop ba,”

Ibinahagi rin ni Regine ang kanyang relasyon sa kanyang asawa na si Ogie Alcasid. Noong nakaraang Disyembre ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 10th wedding anniversary.

Ogie ang I have known each other for a long time. When I was 18 and he was probably 21 mga ganyan we dated.”

Matagal na naging magkaibigan ang dalawa kahit pansamantalang naghiwalay si Regine at Ogie noong sila ay bata pa. Ayon kay Regine, ang matagal na pagkakaibigan niya kay Ogie ay naging daan para sa isang matibay na relasyon.

Natutunan din ni Velasquez na importante sa isang relasyon ang “mag-grow together”.

We definitely grow together because it’s important. When you get married, you become one, that means you grow old together. Wala ng you and me, but we do have our me time.”

Bukod sa pagkakaibigan at pag-unlad ng magkasama, payo rin ni Regine na isipin ang pagmamahal bilang isang choice at commitment.

When you are in a relationship, when you are married, it’s a daily thing. It’s everyday that you choose, you remind yourself that I’m choosing this person to love, because we’re not perfect.”

Para kay Regine, mahalaga ito sa kanya para makabuo ng isang mapayapang tahanan at pamilya.

Kami ng asawa ko never kaming nag-away but we discuss, we talk about it. Si Nate never pa niya kaming nakita na nagsisigawan.

The reason I say it’s a daily thing na you constantly remind yourself na I’m choosing to love him is because you are accepting that he’s not perfect so are you, ‘di ka rin perfect. So he’s accepting to love me. Kapag nasa relationship ka, for me, everyday dapat lagi mong iniisip na ‘I choose love over whatever problem’.”

Dagdag pa ni Regine, mahalaga rin na ilagay ang Diyos sa sentro ng isang relasyon.

Bilang haligi ng tahanan, kailangan lalaki ang nagi-initiate noon ang I’m so happy that he really takes it seriously. He would always remind me ‘nagdasal ka ba?’. It’s always with prayers and it’s wonderful.

Kung hindi niyo pa nasusubukan, try niyo. Hindi ba ang prayer is form of meditation after noon nakakagaan ng loob at mag-iiba rin ang tingin mo sa asawa mo kasi nakikita mo how godly he is, alam mo na wala siyang gagawin that will hurt you.”