“Against all odds” nga talaga ang tambalan ng dalawa Heart and Chiz

“Against all odds” nga talaga ang tambalan ng dalawa Heart and Chiz

Makulay at puno ng mamahaling designer items ang buhay ng celebrity-star na si Love Marie Ongpauco na mas kilala bilang si Heart Evangelista. Sa likod ng mamahaling Chanel, Louis Vuitton, at Hermes, ganoon din kabongga ang love story niya sa kanyang asawa na si Governor Chiz Escudero.

“Against all odds” nga talaga ang tambalan ng dalawa —mula sa kanilang mala-teledramang relasyon hanggang sa isang magarbong fairytale wedding. Alamin ang kwento sa likod ng Ongpauco-Escudero.

Nagsimula ang interes ng media sa love life ng aktres nang ibinunyag ni Heart sa kanyang interview sa “The Buzz” na dalawang beses na siyang lumabas para sa dinner kasama ang dating senador.

Ang nasabing interview ay ginanap noong June 2012, ilang linggo lamang matapos ang maingay na break-up ni Heart sa model-actor na si Daniel Matsunaga. Kasabay din dito ang halos isang buwan laman matapos ang annulment ng kasal ni Chiz kay Christine Elizabeth Flores, ina ng dalawang anak ni gobernador.

Ayon kay Heart, nagkakilala sila ni Chiz dahil kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, isang mabuting kaibigan ng Ongpauco family.

Hindi naging bukas si Escudero sa kanilang relasyon ni heart Evangelista. Isa sa mga dahilan dito ay tumatakbo pa noon ang dating senador para sa eleksyon at marami ang nagsasabi na isa lamang itong “gimmick” para umingay ang kanyang pangalan.

Ang kumento naman ni Chiz sa media: “Hindi ko hinahayaang makialam ang pamilya o personal kong buhay sa trabaho ko. Hindi rin pwedeng makialam ang trabaho sa personal na buhay.”

October 5, 2012, inamin na ni Escudero sa kanyang “KrisTV” interview na opisyal na niyang girlfriend and celebrity-actress.

Mula sa kanilang pag-amin, dumalas ang mga sweet at nakakakilig na Instagram posts ni Heart Evangelista. Inamin din ni Chiz na gusto niyang pakasalan si Heart within five years ng kanilang relasyon.

Hopefully, yes, and it would be unfair, stupid, and wrong to say that you don’t wish, you don’t want it to head in that direction,” ang sabi ni Chiz nang tanungin siya ng media kung may balak siyang pakasalan ang celebrity-actress.

Mukhang “all is well” para sa dalawa hanggang sa sumabog sa media ang pa-press conference ng magulang ni Heart noong March 19, 2013.

Ang prominenteng mag-asawa na sina Cecile at Rey Ongpauco ay nagsagawa ng isang press conference para pwersahin ang kanilang anak na pag-isipan ang kanyang relasyon kay Chiz Escudero.

Ayon sa magulang ni Heart, “unacceptable” ang kanilang relasyon. Ang unag rason ay hindi umano kayang bigyan ni Chiz ng isang kasal sa simbahan ang dalaga. Inakusahan din na “alcoholic”, “rude”, at “arrogant” ang dating senador.

Ang sagot naman ni Heart, “Nahihiya lang ako sa boyfriend ko sa yung family niya, wala naman silang ipinakitang masama sa akin, napakabait nila tapos nagkaroon pa ng mga kasinungalingan, mga panirang ganyan”.

Sa kabila ng lahat, nagpakasal ang dalawa sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Hindi rin pumunta ang magulang ni Heart sa kanilang kasal.

Ngayon, happily married ang dalawa. Pruweba ang mga masasayang vlogs at Instagram posts ni Heart Evangelista. Tunay nga na love will always win!