Paano nabuo ang Pag iibigan nina Karla Estrada

Paano nabuo ang Pag iibigan nina Karla Estrada

Maraming may alam sa kinikiligang tambalan na KathNiel pero alam niyo ba na may sarili ring fairytale love story ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada?

Nagdiwang si Karla Estrada at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jam Ignacio ng kanilang first year anniversary noong June 1, 2020 sa isang romantic dinner.

This image has an empty alt attribute; its file name is 105304382_1669185349896913_5090860941303058882_o.jpg

Ayon sa actress-TV host, masayang-masaya siya sa takbo ng kaniyang relasyon kay Ignacio. “My heart [tells] me that true love really exists! This is a year worth celebrating!” Ipinakita din ni Karla sa kanyang Instagram post ang isang card na galing kay Ignacio na nagsasabi na, “I believe everything happens for a reason because it led me to you. I love you.”

Elegante at sweet naman ang intimate candle-lit dinner ng dalawa. May kasama ring sunflower arrangements at mga kandila na hugis puso.

Happy anniversary, love. Looking forward to 800 more years with you,” dagdag pa ni Estrada.

Unang kinumpirma ng actress-TV host ang kaniyang relasyon matapos siyang kwestyunin ng “Magandang Buhay” co-hosts na si Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

I can say that this is my happiest,” ang pag-amin ni Karla Estrada.

Nang tanungin naman kung aprubado ba ang nobyo ng ni Estrada sa kanyang anak na si Daniel Padilla, inamin niya na “hesitant” ang aktor.

Lahat ng relationship ng ermat ko, nandoon ako. So lahat nakita ko, narinig ko. So siyempre bilang anak ka at nakita mo na lahat, hindi siya kagaad, ‘Ayos, okay na’. Ngayon iba na,” ang sabi ni Padilla sa kanyang interview sa “Tonight with Boy Abunda”.

Dagdag pa ni Padilla, na-appreciate niya kung paano nag-re-reach out si Ignacio sa kanya at pagkilala sa kanya bilang “number one security” ng kanyang ina.

Masaya lang ako ngayon kasi she’s very happy and I think she’s in love and that’s good,” dagdag ng aktor.

Para naman sa kanyang isa pang anak na si Magui Planas, masaya ang dalaga at nakanahap ang kanyang ina ng lalaking magpapasaya sa kanya.

Dagdag pa ni Magui na deserve din ni Karla ay isang masayang love life dahil ibinuhos niya ang kanyang buhay sa pagpapasaya ng ibang tao. “Syempre happy kasi si Mama very happy person. Talagang gusto niyang nagpapasaya ng tao. Deserve niya lang na makuha yun ulit…Happy ako na happy si Mama,” ang sabi ng dalaga sa kanyang interview sa “Magandang Buhay”.

Usap-usapan naman ang wedding rumors ng dalawa matapos ang Instagram Stories ni Karla Estrada.

Doon, ipinakita ng actress-TV host ang isang pares ng singsing. Sinundan niya ito ng isang clip ng beachside na may caption na “Soon” at mga emoji ng blue heart, diamond ring, at isa pang heart.

Hindi pa sigurado kung isa pa itong pahapyaw sa kanyang relasyon sa business man a si Jam Ignacio o isang teaser para sa isang proyekto.

Ngunit hindi na ito kataka-taka dahil makikita sa kanyang Instagram na well-bonded ang pamilya ni Estrada at ng kanyang boyfriend. Kasama din si Jam Ignacio sa celebration ng kaarawan ni Daniel Padilla.