Ano nga ba ang sikreto ng KathNiel sa matagal at ‘exciting’ na relasyon ngayong lockdown?

Ano nga ba ang sikreto ng KathNiel sa matagal at ‘exciting’ na relasyon ngayong lockdown?

Nang tanungin ang reel at real life tambalan na sina Kathryn Bernardo at Danial Padilla kung ano ang kanilang gagawin kapag na-lockdown ang dalawa sa isang bahay dahil sa pandemic, nagbahagi ang KathNel ng kanilang sikreto sa isang exciting na relasyon.

We’d be cooking!” ang sabi ni Padilla.

We’d also be fixing and cleaning the entire house again and again. We’re both OC (obessesive-compulsive) that way,” dagdag ni Bernardo.

Sumagot ang tambalang KathNiel sa isang interbyu na may temang gawaing-bahay bungad ng bago nilang digital series sa Netflix na “The House Arrest of Us” sa direksyon ni Richard Arellano.

Ayon kay Padilla, ang pagsasalo-salo sa hapag-kainan ang naging susi sa mapayapa at mahabang relasyon ng kanilang pamilya.

Ibinahagi rin ng KathNiel na mahilig silang magluto ngunit kailangan pa nilang matuto nang husto.
I still have a lot of learn in terms of cooking though. Right now, I only know five dishes,”
ang banggit ng aktres.

I love Kathryn’s pasta, mashed potatoes, and grilled cheese sandwich,” ang kumento ni Padilla. Ayon kay Bernado, hilig naman niya ang nilulutong steak at katsudon ng aktor.

Naging interesado ang 24-anyos na aktres sa pagluluto dahil gusto niya na maging health-conscious ang kaniyang pamilya lalo na ang mga magulang ni Bernardo. “I wanted to be able to take care of my parents better. I would often monitor what they eat at home. We should all be healthy in order to function at our best,” sabi ni Kathryn. Dagdag pa niya, mas mahalagang bantayan ang kalusugan lalo na sa panahon ng COVID-19.

Sa digital series na pinagbibidahan ni Bernardo at Padilla, engaged sa isa’t isa ang kanilang mga karakter. Nang tanungin kung ito ay lapit sa katotohanan, patawa namang sinagot ng dalawa na ang pagpapakasal ay hindi pa kasama sa kanilang kasalukuyang plano.

Nang tanungin naman sa kalagayan ng kanilang relasyon, banayad na ibinahagi ng aktres na lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi perpekto ang pagsasama ng dalawa.

Ours is not a perfect relationship. I am not perfect. We are both aware of our shortcomings; that’s what actually makes our partnership exciting,” ang sagot ni Bernardo. “We are both aware of our shortcomings; that’s what actually makes our partnership exciting. We make each other happy. We’re always supportive of each other’s plans, be it personal or career-wise. I think he’s the one. I can’t imagine my future without DJ.”

Para naman kay Daniel Padilla, “Kathryn is someone that makes me a better person. I’m often too childish and makulit for my own good. When I get derailed from my purpose, Kathryn helps put me back on track. She’s my guiding light.”

Sa ideya naman ng pagpro-propose, “Marriage is no joke. Before you agree to it, you have to be complete as a person. You have to be ready because this will not just be about the two of you anymore, but also about both of your families. Don’t get me wrong, I don’t see it as something negative. I actually find it to be an exciting idea.”

Mapapa-“sana all” ka na lang talaga!