Assunta de Rossi, ibinahagi ang kanyang karanasan sa pagkakaroon ng anak matapos ang labing-siyam na taong paghihintay

Assunta de Rossi, ibinahagi ang kanyang karanasan sa pagkakaroon ng anak matapos ang labing-siyam na taong paghihintay

Halos apat na buwan matapos manganak si Assunta de Rossi, ibinahagi niya kung papaanong naghintay ng 19 na taon ang aktres at ang kanyang asawa na si Jules Ledesma bago sila biniyayaan ng babaeng anak.

Sa interbyu ng aktres sa “I Feel U” kasama ang host na si Toni Gonzaga, laking gulat ni de Rossi nang malaman niya na siya ay nagdadalang-tao dahil “unexpected” ito umano sa mag-asawa.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-9.png

Kwento ni de Rossi, “We were trying for so many years na, parang sabi ko nahihirapan na ako. So many things happened na also tapos with all the stress and kung ano man, we sought fetility treatments nung mga 2016. We decided na to go the scientific route, mag in vitro na lang kami. Mutual decision naman iyon. Hindi nag-succeed yung first time.”

Ang in vitro fertilization o IVF ay isang sayentipikong paraan ng assisted reproduction kung saan ginagawa ang proseso ng fertilization sa laboratoryo bago ito ilipat sa matris.

Photo Courtesy: Assunta de Rossi

Hindi nagtagumpay ang IVF ng mag-asawa at napagdesisyunan nila na maghintay na lang muna. “Naluingkot talaga ako doon pero normal daw yun. Hindi lahat nakukuha the first time,” dagdag ng aktres.

Matapos ang treatment nila noong 2016, nagbalik-trabaho si de Rossi para maibsan ang kanilang kalungkutan. Kamakailan lamang ulit napagpasyahan ng dalawa na mag-abroad para sa kanilang IVF treatment.

Last year, nag-decide ako na I think it’s time. Nag-usap kami, ‘Gusto mo ba i-consider mag-abroad tayo just in case?’ Kasi meron pa akong embryos sa freezer eh. Sabi niya, okay lang. Sabi ko, ‘Gusto mo mag-Singapore tayo, Taiwan, or US’. Kaso nagka-COVID.”

Ayon kay Assunta, sa selebrasyon ng kanyang ika-37 na kaarawan niya napansin na delayed ang kanyang monthly period.

Nag-Amanpulo kami nung 37th birthday ko. Pagbalik namin, a week later, nagpa-check up ako kasi nga delayed ako. Na-confirm that I was pregnant. Talagang nagulat kaming mag-asawa. Inannounce ko sa family ko, pati sila nagulat din naman.”

Para kay de Rossi, kahit hindi man ito masusing pinagplanuhan ng mag-asawa, isa itong “pleasant surprise”.

It was unplanned but not naman unwanted kasi it’s been a long time din talaga. Ano bang nagawa ko at nangyari ito? But I am so thankful,” ang sabi ng aktres.

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang buhay-ina, inamin ni de Rossi na hindi ito naging madali para sa kanya at kay Ledesma dahil 24/7 ang bantay sa kanilang babaeng anak na si Julia.

Since day one, sleep deprived na talaga ako. Nasasanay din pero there are times na ang hirap. You take it one day at a time talaga kasi if today okay ka, hindi guaranteed na okay ka rin tomorrow,” ang sagot ni de Rossi.

Patawang sinabi ng aktres na gusto na niyang bumalik sa taping.

In the beginning iniisip mo, artista ako sanay ako sa puyatan. Pero pagdating ng baby, pwede mag-shooting na lang ako ulit?”

Hindi rin daw biro ang breastfeeding dahil may mga panahon na walang ganang kumain si Assunta. Ngunit kahit may halong hirap ang pagiging ina, hindi raw ito binibitiwan ni de Rossi bagkus ay sinusulit niya ang bawat panahon habang baby pa ang kanilang anak.

Dadating sa point na hindi ka na niya kailangan. It goes by so fast. Wala nang take two ito.”