Kampo ni Mario Maurer, nagbanta ng kaso laban kay Kakai Bautista

Kampo ni Mario Maurer, nagbanta ng kaso laban kay Kakai Bautista

Naging isang pasabog ang biglaang pagsalita ng kampo ng Thai actor na si Mario Maurer matapos nitong bantaan ng pagsasampa ng kaso sa aktres na si Kakai Bautista.

Ayon sa management ni Mario Maurer, magsasampa sila ng kaso laban kay Bautista kung patuloy pa niyang babanggitin ang pangalan ng aktor sa publiko.

Sa isang sulat na ipinadala sa Artists Gallery Management kung saan kabilang ang komedyante sa mga talents nito, nakaabot sa kampo ni Maurer na patuloy umanong ginagamit ni Bautista ang pangalan ni Maurer sa mga bagay-bagay na walang paalam o pahintulot mula sa aktor.

Bukod pa roon, binaggit din ng Kwaonhar Nine Nine (agency ni Maurer) na walang katotohanan ang mga pahayag ni Bautista lalo na pagdating sa relasyon niya sa aktor. Kinunsulta ng legal counsel ng Kwaonhar si Maurer at ayon sa kanila, mismong ang aktor ang kumumpirma sa mga umanoy kasinungalingan ni Bautista.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-10.png

Maurer confirms that all statements and claims made by Bautista regarding her proximity with him are hereby denied as false and untrue.”

Matatandaan na matagal naging magkatrabaho si Mario Maurer at Kakai Bautista noong 2012 nang naging magtambalan ang dalawa sa pelikula ng Star Cinema na “Suddenly It’s Magic”. Matapos maging patok ang dalawa sa showbiz, madalas nang tanungin sa mga interview si Bautista sa kaniyang real-life friendship sa aktor.

Ang pagiging matalik na magkaibigan ni Maurer at Bautista ay unang naisapubliko sa guest appearance ng aktor noong 2012 sa isang episode ng “Gandang Gabi Vice” kung saan ang running joke ay pinili ng aktor si Bautista at hindi ang leading lady niya a si Erich Gonzales.

Matapos ang ilang buwan, ibinahagi ni Kakai Bautista ang kanyang “unexpected friendship” kay Mario Maurer sa episode ng “Showbiz Inside Report” noong March 2013. Sa puntong ito, nakilala na ni Bautista ang pamilya at mga kaibigan ni Maurer sa Thailand noong bumisita siya noong February 2013.

Noong 2019 sa guest episode ni Bautista sa “Tonight with Boy Abunda”, sa parehong taon din iyon natigil ang komunikasyon ng dalawa.

Maraming nangyari,” ang pagpapaliwanag ng komedyante. “Na-hurt ako doon. Pero, naiintindihan ko.”

Ang huling banggit ni Bautista sa pangalan ng aktor ay noong September 2020 kung saan ibinahagi niya sa isang throwback Instagram post ang dati nilang guesting sa GGV.

Pagdating naman sa management ni Maurer, hindi partikular na sinabi ng Kwaonhar ang anumang pangyayari na umanoy paggamit ng komedyante sa pangalan ng aktor. Nagbigay lamang ito ng isang blanket statement at pagpapahayag ng kagustuhan ni Maurer na matigil ang pagpapahiwatig ni Bautista ng kanyang koneksyon sa aktor.

Mula sa Kwaonhar: “By so using the name of our client, Bautista is improperly exploiting the name, image, and reputation of Maurer, his management, agents, and representatives, and may be violating existing laws of the Republic of the Philippines and the Kingdom of Thailand.”

We respectfully demand Ms. Bautista to conduct herself according to the rule of law and refrain from any further use of the name of Mario Maurer or any reference to him, directly or indirectly.

If Bautista does not comply with the demands to cease, desist, and refrain from using the name, it would have no other alternative but to pursue formal charges and claims,” dagdag pa ng agency.

Sa ngayon, walang direktang kumento si Kakai Bautista o ang kanyang kampo ukol sa liham ng management ni Maurer.