Liza Soberano, itinanggi ang engagement —‘I would be loud and proud’

Liza Soberano, itinanggi ang engagement —‘I would be loud and proud’

Mariing itinanggi ng aktres na si Liza Soberano ang haka-haka na siya ay engaged na kanyang long-time boyfriend at katambalan na si Enrique Gil.

Lumabas ang bulungbulungan tungkol sa kanilang relasyon matapos kumalat ang isang screenshot ng Facebook post sa Twitter kung saan binaggit ni Soberano na “fiancée” na niya si Enrique Gil.

Nanggaling ang Facebook post sa isang anonymous account na “Nafson” kung saan binash niya ang aktres matapos maglabas ng reaksyon at puna sa gobyerno hinggil sa COVID-19.

Mula sa post ni Nafson, umani ito ng reaksyon mula kay Javi Gil, kapatid ni Enrique, kung saan dinepensahan niya ang aktres. Agad namang humingi ng tawad si Nafson na nagtungo sa kanyang pagbanggit na engaged na si Soberano.

Pagdating sa Twitter, isang fan ni Liza Soberano ang nag-tweet ng pasasalamat kay Nafson sa pagbubunyag ng totoong status ng relasyon ng dalawa.

Mula sa tweet ni @chamitchell noong March 25, “Pero pasalamat tayo kay Nafson…kasi di lumabas yung ‘fiancee’ if not for him. May silbi din ang y*** it took a DDS for the truth to come out. Ilabas ang proposal video!!!”

Ang sagot naman ni Liza Soberano, “I’m sorry to burst your happy bubble but if I was engaged, I would be loud and proud. I wouldn’t hide it.”

Si Liza Soberano, 23, at Enrique Gil, 28, ay matagal nang magka-relasyon. Naging “official” ang dalawa noong 2014 matapos lumabas sa primetime ang kanilang teleserye na “Forevermore”.

Matatandaan na bago pa man sila naging publiko, madalas itanggi ni Soberano ang kaniyang relasyon sa aktor. Bagay na ipinunto ng LiQuen fans sa Twitter.

Mula sa isang fan account @LQsurrection, “Bakit nong naging bf gf kayo tinago niyo rin ah…but its ok we respect that.”

Sumang-ayon din ang isang fan na si @lizquenbubu: “weh Hopia? Parang narinig ko na din yan dati yan nung sa bf. Naalala ko pa yung exact words, ‘magpapapresscon pa kami’ kaya ewan kung dapat pa ba kaming maniwalan diyan”.

Banayag namang inaasar ng mga taga-hanga ni Soberano at Gil ang aktres dahil sa kanyang Tweet. Inilarawan nila ito bilang “Hopia” —isang slang na tumutukoy sa mga taong umaasa sa wala.

Unang kinumpirma ng LizQuen ang kanilang relasyon noong 2019 sa isang guesting episode ng “Gandang Gabi Vice”. Unang sinabi ni Soberano na halos higit sa dalawang taon nang naging sila, kaya naman inisip ng kanilang fans na noong 2016 pa nagsimula ang kanilang relasyon.

Ngunit sa isang Valentines interview ni Liza Soberano sa “Tonight With Boy Abunda” noong February 14, 2019, inamin ng aktres na naging sila na ni Enrique simula pa noong 2014.

Ito ay matapos banggitin ni Tito Boy ang kanilang Valentine’s celebration noong 2015 sa “Forevermore” kung saan binigyan ni Gil ng rosas at tsokolate ang aktres.

2015. Forevermore. He brought you chocolates and flowers, remember? You weren’t together yet —this was in 2015,” ang sabi ni Tito Boy.

Ang bunyag ni Soberano, “We were! Well, of course, I was 16. So it was pretty young to have a boyfriend.”

Isa na naman nga ba itong “hopia” moment or tama ang mga kuro-kuro ng kanilang fans?