Pia Wurtzbach, nagbahagi ng advice tungkol sa inggit at pagkukumpara ng sarili sa iba

Pia Wurtzbach, nagbahagi ng advice tungkol sa inggit at pagkukumpara ng sarili sa iba

Naging guest ang dating Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa YouTube channel ni Bianca Gonzalez kung saan pinag-usapan nilang dalawa ang kadalasang pagkukumpara ng mga babae sa isa’t isa.

Sa isang YouTube video na “ON COMPARING WOMEN | Paano Ba ‘To with Pia Wurtzbach” para sa selebrasyon ng Women’s Month, nagbigay ng opinyon ang dating Miss Universe kung bakit laging may nosyon ng inggit at pagkukumpara ng mga babae sa kapwa nilang babae.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-16.png

Ayon kay Wurtzbach, tunay na normal ang magkaroon ng self-doubt at kwenstiyunin ang sarili lalo na pagdating sa pagkukumpara. Aniya, naranasan na rin niya ito lalo na noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Honestly, I’ve been through that before with the way I started in showbiz pa lang and in pageants. Siyempre, hindi naman ako agad umabot sa Miss Universe. Ang dami ko ring rejections nung nagco-commercial pa lang ako and nag-a-artista pa lang ako tapos natalo ako ng natalo sa Binibi.”

Para kay Pia, ang pag-kwestyon na naranasan niya ay hindi isang tanong na “bakit ba siya” kung hindi ay “bakit ba hindi ako”.

It’s not because you hate somebody, it’s not because you wish ill of somebody else. It’s more of na kine-question mo ‘yung may kung ba sa akin?

Ayaw ko iyong feeling ng inggit kasi parang ang mean. Parang ‘uy, totoo ba nagagalit ka sa kanya kasi wala ka no’n?’ Hindi siya tamang feeling.”

Ang abiso ng dating Miss Universe, dapat matuto tayong baguhin ang pananaw ng inggit. Aniya, “If you ever get that feeling, try to really think is it because you’re projecting your insecurity on somebody else? Upset ka na siya may achievements tapos ikaw wala? I don’t think you should be mad at her. Maybe there’s something that needs to be worked on yourself.”

Dagdag pa niya, mahalaga na kailangan din na aminin natin sa ating sarili na baka mayroong mali sa ating pananaw pagdating sa inggit. Hindi nararapat na mag-agawan ang mga babae sa mga bagay-bagay.

Kailangan natin maging aware na minsan kasi, it’s not that because nag-aagawan tayo ng opportunities. It’s just that it’s not yet your time. This applies on so many things. It could be at work, or with your personal life.”

Nagbahagi rin si Pia Wurtzbach ng kanyang personal na payo poagdating sa mga pagkakataon na nakararamdam siya ng inggit sa ibang tao. Ayon sa kanya, “I always tell myself that hindi pa kasi para sa akin. Or hindi iyan para sa akin. May kulang pa. Marami pa akong bigay na kakainin. Marami pa akong kailangan pagdaanan.”

Lalong-lalo na sa panahon ng social media, dapat daw laging isipin na halos lahat ng tao ay puro magagandang bahagi ng kanilang buhay ay ipinapakita nila online. “You can’t compare. Everybody is just going through their own thing…You have to remember how to pull yourself back. It’s not them. Unfortunately, it’s you.”

Sa huli, sinabi ni Pia Wurtzbach na ang lahat ng tao sa mundo ay may tamang kinalalagyan at ang mga oportunidad ay dumadating sa atin sa tamang panahon. “Don’t beat yourself up for it because it’s completely normal to feel that. But then not that you’re aware of it, you can control it and you should control it. Also have a lot of self-awareness. Know your strengths and weaknesses.”