Filipino Scientist, naging makasaysayan matapos makarating sa isa sa mga pinakamalalim na lugar sa mundo

Filipino Scientist, naging makasaysayan matapos makarating sa isa sa mga pinakamalalim na lugar sa mundo

Nagtala ng kasaysayan ang isang Filipino scientist na si Dr. Deo Florence Onda matapos maging unang Pilipino at isa sa unang dalawang tao sa buong mundo na nakasisid sa Emden Deep, Philippine Trench.

Ang Emdem Deep ay mayroong lalim na 10,045 na metro at ito ang ika-tatlong pinakamalalim na lugar sa buong mundo. Kung ikukumpara ito sa iba pang mga landmarks, ang Emden Deep ay makakayang ilubog ang Mt. Everest dahil ito ay nasa 8,849 na metro lamang. Pagdating naman sa pinakamataas na gusali sa buong mundo, kailangan ng higit sa 12 gusali ng Burj Khalifa bago pa man matumbasan ang lalim ng Emden Deep.

Ang makasaysayang paglubog ni Dr. Onda ay isinagawa noong March 23. Sa isang clip na ibinahagi ni Joselito Membrot, isang miyembro ng DSSV Pressure Drop crew, makikita ang matinding selebrasyon ng

grupo matapos marating ni Dr. Onda at ng kanyang kasama na isang beteranong undersea explorer na si Victor Vescovo ang pinakababa ng Emden Deep.

Hindi na ito ang unang pagkakataon ni Vescovo na magkaroon muli ng isang record-breaking na pagsisid sa karagatan. Noong 2019, siya ang may hawak ng tala ng pinakamalalim na manned descent nang siya ay sumisid sa Mariana Trench.

Samantala, si Dr. Onda naman ay isang respetadong miyembro ng akademya. Siya ay isang oceanographer at kasalukuyang associate professor ng University of the Philippines Marine Science Institute.

Mula sa update ni Membrot sa kanyang Facebook, sinimulan ni Onda at Vescovo ang kanilang pagsisid patungo sa Emdem Deep ng 6:30 ng umaga. Ang crew naman na pinangungunahan ni Capt. Stuart Buckle at iba pang mga Pilipinong siyentista ay naiwan sakay ng barkong DSSV Pressure Drop.

Ang kanilang pagsisid sa Emden Deep ay pinatakbo ng EYOS Expeditions at ito ay pinondohan ng Caladan Oceanic na pagmamay-ari ni Vescovo. Lulan ng isang deep-sea submersible na DSV Limiting Factor ang dalawang siyentista.

Bago pa man nagsimula ang pagsisid nila Dr. Onda, sinabi na ng siyentista na ang ekspedisyon na ito ay isang “one lead for the country and the world” at ito ay dapat ipagmalaki ng mga Pilipino.

These crew have been touring the world and setting records with the DSV Limiting Factor in the past years. Many of us might have just heard it now, but the ship, sub, and crew have opened and paved the way for modern-day deepsea explorations,” ang sabi ni Dr. One sa kanyang Facebook post.

Dagdag pa niya, masaya siya na mayroon din siyang kasamang mga kapwa-Pinoy sa barko na tumulong para gawing makabuluhan at matagumpay ang kanilang ekspedisyon.

I am equally proud and very happy to be making this voyage with my fellow Pinoys onboard. It felt like I have brought a home with me into this expedition. Thank you for looking after me, taking care of me, and cheering me up everyday.

This one dive to the deep is one leap for the country and the world. We should be proud of this national heritage! #IntoTheEmdenDeep”