DLSU DASMA SHS student, nakaimbento ng alternatibo sa plastik gamit ang tubig-bigas

DLSU DASMA SHS student, nakaimbento ng alternatibo sa plastik gamit ang tubig-bigas

Isang kamangha-manghang imbento ang natuklasan ng mga senior high school students ng De La Salle University – Dasmarinas matapos naging matagumpay ang kanilang pag-aaral sa pinaghugasan ng bigas bilang alternatibo sa single-use plastic.

Iprinoseso ng mga student researchers ang tubig-bigas sa pamamagitan ng pag-extract ng rice starch mula sa pinaghugasan ng bigas. Ang rice stratch na iyon ay siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng alternatibo sa plastic.

Ginawa ang experiment na ito ng limang Grade 12 STEM students na sina Daniel Awil, Chynna Ysabelle Brugada, Jean Carmela Dela Cruz, Paul Albert Enetorio, at Kreain Chyle Lanaria sa kabila ng hamon ng pandemya at kahirapan sa set-up ng online class.

Ayon sa group leader na si Chynna Brugada, malaking inspirasyon para sa kanila ang makahanap ng alternatibo sa mga single-use plastic upang makatulong sa kalikasan.

Dagdag pa niya, “We were inspired by the work conducted last year by fellow DLSU-D SHS students that developed alternative material from banana peels.”

Bago pa man makarating sa paggamit ng tubig-bigas, maraming mga bagay ang kinunsidera ng grupo. Ilan na lamang dito ay pagde-develop ng iba pang environmentally-friendly materials tulad ng printer ink na mula sa uling, elastic na building materials, at pati na rin ang face masks na gawa mula sa hibla ng pinya.

Ngunit sa bandang huli, napag-desisyunan ng grupo na gumamit ng tubig-bigas.

We wanted to cut down plastic waste in the Philippines and use rice starch from rice water as the main ingredient as rice is our staple food. So the material is easily accessible and regarded as waste,” ang sabi ni Brugada.

Mula sa pag-aaral ng grupo, mayroong apat na set ang inihanda sa kanilang experiment. Kabilang dito ang kanilang controlled set-up na tanging plastic lamang at ang tatlong set-up na naglalaman ng iba’t ibang porsyento ng glycerin at pinaghugasan ng bigas.

Hindi naging madali ng experiment na ginawa ng grupo ni Brugada. Ayon sa kanya, tiniyaga ng kanilang grupo ang paulit-ulit na trial and error para lamang maging matagumpay ang kanilang imbento.

We tried using rice water itself; however, since there was too much water in the mixture, we decided to grind the rice into a fine powder and then added a specific amount of water.”

Gaano naman ito ka-epektibo kumpara sa normal na single-use plastic?

Kabilang sa kanilang pag-aaral, nasubukas at kinumpara ang kanilang rice water sample laban sa normal na single-use plastic. Nalaman ng grupo na ang kanilang imbento ay isang 80% na rice starch solution ay kayang tumapat sa tibay at flexibility ng isang normal na plastic.

Idineklara ng mga researchers na tagumpay ang kanilang experiment at nahigitan pa nito ang benepisyo ng mga single-use plastic lalong-lalo na pagdating sa epekto nito sa kalikasan.

The advantage is that our developed material is biodegradable compared to the common plastic,” ang sabi ng kanilang grupo.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nakaimbento ng mga bagay-bagay ang mga estudyante ng De La Salle University – Dasmarinas. Dati nang nakagawa ang mga estudyante ng straws mula sa balat ng saging at mga sapatos na kayang mag-generate ng kuryente.

Tunay ngang katangi-tangi ang estudyanteng Pilipino!