Pa-ayuda ng isang mayor, hinangaan ng mga netizens

Pa-ayuda ng isang mayor, hinangaan ng mga netizens

Usap-usapan ngayon sa social media ang pamimigay ng ayuda ng lockal na pamahalaan ng bayan ng Gapan, Nueva Ecija sa mga residente nito na nagpositibo sa C0VlD-19.

Biro ng mga netizens, “Sana all.”

Hindi s’yempre ang pagkakaroon ng virus ang tinutukoy nila kundi ang pagkakaroon ng lokal na pamahalaan na talaga naming nakatutok sa kapakanan ng mga nasasakupan nito.

Sino ba naman kasi ang hindi gugustuhing makatanggap ng ayuda na may lamang prutas, imported canned goods, tinapay, pasta, gatas, at iba pa?

Maliban sa tila Christmas package na ito, may kasama pa itong isang sako ng bigas!

Sa isang post sa Facebook page na Mayor Emeng Pascual – Serbisyo Publiko, ibinida ang patuloy na pagseserbisyo-publiko ng mga frontliners kahit na mahal na araw.

Personal na inihahatid sa mga bahay-bahay ng residente ang nasabing ayuda.

May ilang larawan na kalakip ang nasabing post at may caption na:

Tuloy tuloy na serbisyo sa mga Batang Gapan na covid 19 positive.

Kahit mahal na araw walang pahinga ang ating mga frontliners mahatiran lang ng ayuda ang mga tao sa Gapan.

Aalagaan at tutulungan natin ang mga Nangangailngan lalo na sa panahon ng pandemya.

Sa ibang c0vid 19 positive pasensya na po kung hindi pa nahahatiran ng tulong maghapon at magdamag diretso trabaho mga frontliners hanggang bukas ng umaga lahat kayo aabutan ng ayuda.

Sa Gapan may gobyerno kayong sinasandalan…”

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 28K shares ang nasabing post at patuloy pa ring inuulan ng papuri mula sa mga netizens, residente man ng gapan o hindi.

Matatandaang nag-viral na rin dati sa social media ang nasabing mayor at ang bayan ng Gapan noong simula ng quarantine noong isang taon dahil sa pagbibigay nito sa mga residente ng matatawag na galanteng ayuda.

Kaiba sa mga tipikal na ‘relief goods’ na karaniwang ipinapamigay bilang ayuda sa mga mamamayan, ang ayuda sa bayang ito ay may kasamang isang sakong bigas.

May kasama rin itong sariwang gulay, itlog, buhay na manok, sariwang isda, canned goods, frozen goods gaya ng hotdog at tocino, at marami pang iba.

Nagdesisyon din noon si Mayor Emeng na i-donate ang kanyang sweldo para sa kanyang mga nasasakupan.

Labis itong ikinatuwa ng mga residente sapagakat ramdam anila ang pag-aalaga ng kanilang punong-lungsod.

Agad rin itong umani ng papuri noon mula sa mga netizens na karamihan ay pabirong humihiling na sana ay ganoon din ka-galante ang kanilang lokal na pamahalaan.

Hindi kasi nila maiwasang maikumpara ang mga ayuda na natanggap nila dahil may laman lamang daw itong ilang kilo ng bigas, de-late, noodles, at biskwit.