Ivana Alawi, nagbigay ng updates tungkol sa kutsinta vendor sa prank video

Ivana Alawi, nagbigay ng updates tungkol sa kutsinta vendor sa prank video

Maraming netizens ang nag-aabang ng updates tungkol sa pagkikita nina Ivana Alawi at Tatay Joselito matapos kumalat sa social media ang larawan ng kanilang pagkikita.

Sa latest YouTube vlog ni Ivana, tinupad na niya ang hiling ng marami na magkaroon ng balita tungkol sa nangyaring muling pagtatagpo ng dalawa.

Ikinuwento ni Ivana na kamakailan lang ay nagkita nga silang dalawa para muli itong abutan ng tulong.

Ipinakita rin niya ang ilang footage ng kanilang pagtatagpo kung saan makikitang kasama rin ang asawa ni Tatay Joselito.

Maliban sa ipinamili niya ito ng ilang mga kagamitan, niregaluhan din niya ito ng isang motorsiklo na magagamit n ani Tatay Joselito sa kanyang paghahanap-buhay.

Matatandaang si Tatay Joselito ang kutsinta vendor na nakilala ni Ivana sa kanyang prank video kung saan nagpanggap siyang isang pulubi.

Sa nasabing prank, nag-disguise si Ivana bilang isang pulubi na naghingi ng tulong sa mga mga napiling biktima ng prank.

Sa bawat pisong ibinigay sa kanya, isang libong piso ang naging gantimpala.

At sa lahat ng nagging biktima ng prank, tumatak nang husto kay Ivana si Tatay Joselito nagbigay sa kanya ng bente pesos at kutsinta.

Nag-alok din itong ibili siya ng tubig o softdrinks.

Dahil dito, ninais ni Ivana na katagpuing muli ang kutsinta vendor.

At nangyari na nga ang pagkikita nilang iyon gaya ng ibinalita ni Ivana.

Sa latest vlog din siya nagbigay ng pahayag kaugnay ng mga nagnanais na sampahan siya ng demanda dahil labag daw sa batas ang ginawa niyang pagpapanggap na pulubi.

Bagama’t maraming netizens ang humanga sa ginawa ni Ivana na pagbabalik-tulong sa mga nagbigay din sa kanya ng tulong sa vlog, may ilang nagsabi na ang ginawa niya ay paglabag umano sa batas na nagbabawal ang paghingi at pagbibigay ng limos.

“Kung may nalabag akong batas, edi kasuhan na lang nila ako, haharapin ko yun, lalaban ako ‘di ba!”

“Kasi para sa akin, I didn’t do anything wrong! Ang intensyon ko is just to help out and to inspire people”

“Wala akong tinapakan na tao, wala akong nasaktan na tao and masaya ako sa video and I will do it again!”

Maraming netizens din ang nagtanggol sa kanya at sinabing bakit si Ivana ang pag-iinitan samantalang malinaw naman ang intensiyon niyang makatulong lamang sa kapwa.