IVANA ALAWI, IPINAGTANGGOL NG MGA NETIZENS HINGGIL SA ISSUE NG PAGLABAG UMANO NITO SA BATAS

IVANA ALAWI, IPINAGTANGGOL NG MGA NETIZENS HINGGIL SA ISSUE NG PAGLABAG UMANO NITO SA BATAS

Naging usap-usapan kamakailan sa social media ang prank video ng sikat na YouTuber na si Ivana Alawi kung saan siya nagpanggap ng pulubi at sinubukang manlimos sa mga tao sa lansangan.

Sa kanyang pagpapanggap, sinubukan niyang humingi ng tulong sa ibang tao sa pamamagitan ng panlilimos.

Walang kamuwang-muwang ang mga ‘biktima’ ng prank dahil naka-disguise si Ivana bilang isang pulubi na nanlilimos ng pamasahe para makauwi sa Baguio.

Ang bawat piso na ibinigay sa kanya ay pinalitan niya ng sampung libong piso. Halimbawa, ang sampung piso ay nagging sampung libong piso ang kapalit.

Ang nasabing video ay ilang araw na naging trending video sa YouTube at mayroon na ngayong 18 million views.

Ilang araw matapos mag-trend ang prank video na ito, lumutang naman ang usapin na umano’y may nilabag na batas ang aktres.

Ayon sa isang abogado na gumawa din ng vlog at nagsiyasat umano sa nasabing video, ang ginawang pagpapanggap ni Ivana bilang pulubi at ang ginawa nitong panlilimos ay paglabag sa isang batas.

Ito ay ang Presidential Decree no. 1563 o Anti-Mendicancy Law of the Philippines.

Sa nasabing batas, mahigpit na ipinagbabawal ang paghingi ng limos at maging ang pagbibigay ng limos.

Dahil sa paglutang ng issue na ito, agad naming ipinagtanggol ng mga netizens ang sikat na aktres.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Bakit kung sino pa ang gumawa ng kabutihan, siya pa ang pag-iinitan?”

Malinaw naman kung ano ang intensiyon niya sa vlog – ang tumulong.”

Bakit hindi kaya ang PhilHealth ang kasuhan nyo? Kung ano-ano pa ang inuuna nyo!”

Pasikat lang ang abogado na yan!”

Gusto lang nilang sakyan ang kasikatan ni Ivana lalo na at trending ang prank video niya.”

Matapos magpakita ng kabaitan si Ivana, ito pa ang isusukli sa kanya?”

Try nyo rin kayang tumulong sa kapwa nyo hindi yang puro batikos ang inaatupag nyo!”

Ang dami-daming natutulungang tao ni Ivana tapos sya pa ang gaganyanin!”

Karamihan sa mga komento ng mga netizens ay pagkampi at pagtatanggol kay Ivana.

Samantala, matapos ang ilang linggong katahimikan ay sinagot n ani Ivana ang issue na ito.

Sa kanyang latest vlog ay hindi naiwasang pag-usapan ang nasabing issue.

Nang tanungin siya tungkol sa posibilidad na sampahan siya ng kaso dahil sa umano’y paglabag niya sa batas, narito ang kanyang nagging pahayag.

“Kung may nalabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila ako, haharapin ko yun, lalaban ako ‘di ba?

“Kasi para sa akin, I didn’t do anything wrong. Ang intensyon ko is just to help out and to inspire people,” dagdag pa niya.

“Wala akong tinapakan na tao, wala akong nasaktan na tao and masaya ako sa video and I will do ito again!”

Naniniwala rin daw siya na kahit na ano pang gawin niya, maganda man ito o hindi maganda, palaging may masasabi ang ibang tao.

Ilang beses na ring naging laman ng balita ang naging pagtulong ng aktres sa ating mga kababayan na naging biktima ng pananalanta ng bagyo noong nakaraang taon.

Patunay ito na handa siyang tumulong at bukas ang puso niya para sa mga nangangailangan.