Hindi na bago sa atin na ang isang ordinaryong tao ay may kamukha ng isang sikat sa tao gaya ng artista, singer o sinuman na kilalang personalidad.
Talaga naman na mapapalingon at mapahanga ka kapag personal mo itong makita. At mapapa sana all ka na lang. Pinusuan at hinangaan ng netize ang isang dalaga sa angking kagandahang taglay nito.
Nagmula ang isang dalaga sa Marilao, Bulacan, kakaiba ang hitsura niya dahil hindi lang basta kilala ang kamukha niya ito ay sinasamba pa ng mga katoliko. Walang iba kundi si Mama Mary.
Kapansin-pansin naman talaga ang angking ganda ng dalaga na nakilalang si Sangila Jean Santos.
Sa isang kaganapan na idinaos sa bayan ng Marilao ay gumanap bilang si Maria itong si Sangila para sa christmas eve mass sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Asuncíon.
Ang mistulang living statue na si Sangila ay sumali din pala ito sa isang beauty pageant at itinanghal na Singkaban Festival Digital Queen.
“Oh she’s really beautiful in her own personality and so do Mother Mary was the most beautiful woman in her time until now God Bless us all”
“She’s very lucky and gorgeous to portray as Mama Mary Godbless”.
Ilang lang ito sa mga komento at papuri ng netizen sa larawan ng dalaga na nag viral. Umabot na sa 9.9k likes at 4.3k shares sa facebook ang mga larawan ni Sangila.
May mga nagsabi din na napaka pure at parang Egyptian beauty ang angking hitsura ng dalaga. Ilan lang sa atin ang may mga kamukha. Subalit huwag din natin kalimutan na tayo ay may indibidwal na karakter o personalidad na nagdadala sa atin ng kaibahan sa iba. At lalo na ang pagkakaroon ng mabuting kalooban ang mas nagpapaganda pa sa isang tao.