Isang lalaki nakapagpatayo ng magandang bahay sa halagang 50,000 pesos lang

Isang lalaki nakapagpatayo ng magandang bahay sa halagang 50,000 pesos lang


Tila lahat naman tayo ay pangarap magkaroon ng sariling bahay. Lalo na kapag may sarili na tayong pamilya. Marami kasi sa atin ang nakikipagsiksikan pa sa mga magulang kahit may sarili ng pamilya. May ilan din na nagtitiis sa pagrerenta at ang iba naman ay kumukuha ng unit sa mga real state. Pero iba pa rin talaga kung may sarili kang tahanan. 

Source: Russel Simorio/facebook

Mula sa post ng news reporter na si Russel Simorio ibinahagi niya ang bahay na itinayo sa lalaking nakilala na si Henry Tugot. Maraming namangha sa pagka artistic ni Henry dahil sa kaunting halaga ay nagawan niya ng paraan na maging magara ang bahay nila ng asawang si Rejeen Tugot na may dalawang anak. 

Source: Russel Simorio/facebook


Sa halagang 50,000 pesos lamang ay nagkaroon na ng isang palapag na bahay na mayroong isang kwarto, sala, kusina at maliit na terrace. Dagdag pa ang mga halaman na nasa paligid ng bahay na nakapagdagdag ng kagandahan sa lugar. Pero mas namangha pa ang netizen dahil sa loob lamang ng 25 days ay natapos ni Henry ang bahay. Nasa 14×16 feet ang sukat at kung tutuusin ay napakaliit lamang nito ngunit nagawan ng paraan upang mapaganda ito at magmukhang malaki. Sa pagpili ng wallpaper at magandang pintura ang nakadagdag sa espasyo ng lugar. Gawa sa semento ang pundasyon at plywood naman ang bubong. 

Source: Russel Simorio/facebook

Iba talaga kapag pinoy na ang dumiskarte. Sa mahal ng bilihin ngayon ay kailangan talaga ang matinding pagkasya at diskarte sa budget. Nakakatuwa ang angking talino ni Henry sa paggawa ng bahay. Maliit man ngunit naka aircon pa. Masasabing maginhawa na ang bahay ng mag-asawa. Sa sikap at kita kahit pa extra-extra lang ay nakapag-ipon si Henry. Kung nagawa niya ito tiyak rin ay magagawa rin to ng iba. Sa tamang pagsisikap at diskarte kayang-kaya natin magkaroon ng maayos at disenteng tahanan.