Fast food crew napagtapos ng kolehiyo ang girlfriend

Fast food crew napagtapos ng kolehiyo ang girlfriend

“Para sa FUTURE, para sa lahat ng mapanghusga, para sa mga mapagmataas, para sa mga taong walng ginawa kundi mang Down. Para sa inyo ang pagsisikap naming dalawa,” 

– Blessy Parreño

Ang tagumpay ay nakasalalay kung papaano natin ito makamit sa sarili nating paraan. Kung tayo ay determinado at magsisikap ay walang imposible na maabot ang pangarap. Kahit kasabay nito ang panliliit ng tingin ng iba sa atin. 

May isang kwento na naman ng tagumpay na ibinahagi ng netizen na si Blessy Parreño. Labis-labis ang kanyang pasasalamat at tuwa sa naabot niyang tagumpay. Nagtapos siya sa Capiz State University bilang cum laude. 

Source: Blessy Parreño/facebook

Nakakatuwa at nakaka-inspire ang kwento sa likod ng tagumpay ni Blessy. Dahil sa tulong ng kanyang nobyo ay nakapagtapos siya ng pag-aaral. Ayon sa kanya, naging construction worker, cook at ngayon ay OIC na ng Mang Inasal ang kanyang nobyo. Kung saan dumaan ito sa hirap para lang mapag-aral siya at makapagtapos. Makikita natin kung gaano niya ka mahal ang kanyang nobya. 

Source: Blessy Parreño/facebook

Kaya naman ay sinuklian niya ito ng pagsisikap upang hindi masayang ang sakripisyo ng kanyang nobyo. Dagdag pa niya, dumaan sila sa pangungutya at panliliit ng iba. Minaliit ang kanyang nobyo dahil high school lang ang natapos at hindi marunong mag english. At ngayon ay tila isang sampal sa mga mapanghusga ang nangyaring tagumpay ni Blessy. 

Source: Blessy Parreño/facebook

Ibinahagi niya sa social media ang kwentong tagumpay at kung gaano siya ka proud pati saloobin niya sa nobyo  na si Ray Mark De Martin. Ang aral natin sa kwentong ito ay hindi dapat magmaliit ng iba at huwag tignan ang estado ng buhay. Habang ang kapwa ay marangal na namumuhay huwag sana itong husgahan dahil hindi natin alam na sa pagdating ng panahon ay mas mataas pa ang naabot nito kesa sa atin.