Francine Diaz nahihirapan na pagsabayin ang pag-aaral at showbiz

Francine Diaz nahihirapan na pagsabayin ang pag-aaral at showbiz

Bago ang 18th birthday ng The Gold Squad member young actress Francine Diaz ay inamin niya na hirap siya na pagsabayin ang showbiz at school. Ayon sa kanya, parang nawawala raw ang focus niya sa school at mahirap na ibalik. 

Dagdag pa niya na matapos pag-aralan ang isang subject ay kailangan naman niya pag-aralan ang script para sa teleserye at nagkahalo-halo na kaya nakakalimutan na niya. Kahit online pa daw ang set-up sa school ay hirap pa rin siya na isabay ang studies at showbiz. Sa Southville International nag-aaral ang ang young actress. 

Source: philstar.com 


Samantala, excited na si Francine sa gaganaping debut dreamland inspired birthday celebration sa darating na January 27, 2022. Subalit umpisa pa lang ng taon ay sinalubong na ng isyu ang actress dahil sa pinost na larawan ng kanyang ina na kuha sa nakaraang new years celebration, na kung saan ay kasama nila si Seth Fedelin na ka love team naman ni Andrea Brillantes. 

Umani nga ng iba’t-ibang reaksyon ang nasabing ganap sa pamilya Diaz. Nagsilabasan ang mga espekulasyon na baka may namamagitan kina Francine at Seth. Kasunod nito ang tiktok video reaksyon ni Andrea na tila may patama kay Seth. Hanggang sa lumaki na ang isyu at humantong pa sa pag unfollow sa isa’t-isa sa kanilang social media account. 

Source: entertainment.inquirer.net

Tila nagseselos diumano si Andrea kay Francine. Naging click talaga ang tambalang Sethdrea simula noong Kadenang Ginto days. Kaya naman maraming fans ng sethdrea ang nalungkot dahil sa pag-eksena ng Franseth isyu. Nakakapanghinayang naman daw kapag mabubuwag ang The Gold Squad  dahil lamang sa isyung ito. Pinabulaanan naman ng manager ni Francine na may relasyon ang dalawa. 


Source: news.abs-cbn.ent 

Sa kabilang banda, wala pang pahayag si Seth sa isyu o baka naman ay mananahimik na lamang ito. Marami naman ang umaasa na muling magkaayos ang dating magkasama at magkaibigan.